Advice Para sa Mga Gustong Mag-Negosyo
Marami akong mga nakilalang mga Entrepreneurs simula noong 2011. Marami sa kanila ay mga nahihirapan sa kani-kanilang mga negosyo. Marami sa kanila ay nagrereklamo na kasi pakiramdam nila sila ay naghukay ng sarili nilang libingan.
Hindi na nga sila kumikita sa negosyo, marami pa silang binabayaran tulad ng sahod ng kanilang empleyado, rent, electricity, tubig atbp. Kung minsan para makatipid, sila na mismo ang tumatao sa kanilang negosyo para mabawasan ang binabayaran na tao.
May-ari nga sila ng isang negosyo at tinatawag nila ang kanilang sarili na “Entrepreneurs” kasi magandang pakinggan pero “Failure Entrepreneur” pala. Sa halip na passive income, naging active income pa! Mabuti kung may income nga.
Just like them, I, too, have been in the situation before. It was a very challenging situation trying to keep the business alive and hoping that the next month will be different.
In 2012, my wife and I started a Food Cart Business and we invested roughly P100,000.
I was still a medical student back then and I used my parents’ money to start the business. Ang food cart business ay napaka-deceiving kasi akala mo kahit maliit lang ang capital eh malaki na ang kikitain mo. Yun pala, marami ka pa palang monthly expenses. Gagastos ka sa pagkain na ibebenta mo, empleyado na tatao sa food cart, monthly rent and electricity. Yung P100,000 na capital ay napunta lamang sa pagbili ng food cart, gamit at bayad sa Franchise Fee.
Bakit nga ba kami nagsimula ng Food Cart Business?
Very popular pa kasi ang food cart business noon at marami ang nagsasabi na malaki ang kita at madali lang i-manage. WRONG!
First, wala akong background at experience sa pagkakaroon ng food cart business.
Second, nagkaroon kami ng problema sa gamit kasi kailangan namin ng freezer para hindi mabulok ang mga inoorder naming mga produkto galing sa Franchisor.
Third, nagkaroon kami ng problema sa tao kasi nahirapan kami maghanap ng marunong na tao na papayag sa mababang sweldo na below minimum wage pa. At nung nakahanap kami ng tao, may mga gamit pa kaming nasira at nawalan pa kami ng gamit.
In short, sa loob lamang ng 4 na buwan, ibinenta na namin ang aming Food Cart para lamang may mabawi kahit konti sa puhunan. Nasayang lang ang oras at pera namin.
Bakit ko ba ito gustong i-Share sa’nyo?
Bago kayo magsimula ng kahit anong negosyo, kailangan niyo munang dumaan sa tamang proseso. Maari muna kayong umattend ng mga seminars para magkaroon kayo ng malalim na kaalaman sa negosyong pinapasok niyo.
Make sure you understand your business very well. Kaya lagi kong binibigay na advice para sa mga gustong mag-Negosyo, “Mind Your Own Business”.
Kung wala kayong mahanap na mga seminars, maghanap kayo ng tao na alam niyong naging successful na sa ganung uri ng negosyo. Huwag sa taong mukhang successful lang. Dapat sa taong maraming kaalaman at experience sa ganung uri ng negosyo. Sa kanya kayo magpaturo at gawin niyo s’yang coach o mentor.
Kaya ang isa ko pang advice para sa mga gustong mag-Negosyo, maraming oras at pera kayong matitipid kapag nakahanap kayo ng mentor na i-Guide kayo step-by-step sa negosyong gusto niyo simulan.
Before you start, know your interests, strengths and weaknesses. Pick a business that you are very interested in, don’t just consider the income, but also if it will make you happy doing it everyday.
Next, identify your weaknesses and improve on them. If you are not good at selling, find someone who can teach you everything you need about selling. If you have no computer skills, but your business requires you to be knowledgeable about computers, go out and enroll a course on computers.
You have to remember, we all have our own strengths and weaknesses. We have our own “imperfections.”
The moment you turn these imperfections into strengths, that’s when you become an unstoppable Entrepreneur.
You can begin to imagine that you are now using your strengths with very little weaknesses to run your business. You can now do what you love and enjoy it at the same time. How happy and successful do you think would you be?
“You can’t reach anything new if your hands are still full of yesterday’s junk.” -Zig Ziglar
To your success,
Lloyd Labso, MD
[fbcomments]
0 comments