mlm on facebookMarami akong mga kaibigan na palaging nagpopost ng kanilang produkto sa Facebook.  Minsan ko na rin itong  ginawa noong mga panahon na nagsisimula pa lamang ako.

Marami ang mga nagbebenta sa Facebook ng produkto ng kanilang Multi-Level Marketing (MLM) Business tulad ng food supplements, herbal juice, whitening soap at marami pang iba.

Wala namang masama na magbenta ng produkto at maging kasali sa MLM company subalit sa sobrang dami ng mga lumalabas na mga posts tungkol sa mga  produkto, hindi na maiiwasan na may mga taong magsawa sa mga ito.

Miyembro din ako ng MLM pero natutunan ko sa matagal na panahon na may maga hindi pala dapat gawin pagdating sa Facebook Marketing.

Nakakabaliw! Grabe!

Maraming tao lalo na ang mga Pilipino ang mahilig sa mga bagong oportunidad.

Pagkatapos nilang sumali sa kanilang MLM business, sobrang baliw na baliw sila sa produkto, sa compensation plan, sa mga iba’t ibang incentives at commissions na nakukuha sa kanilang MLM Company.

Anong gagawin nila pagkatapos?  Siyempre, ipopost nila sa Facebook lahat ‘yan!  Nangangarap na baka sakaling marami ang mga bibili at magtatanong sa kanilang negosyo.  Ang hindi nila alam, sa maraming maraming pagkakataon, kabaliktaran ang nangyayari.  Lalayuan pa sila lalo ng mga FB friends nila dahil magsasawa sa posts nila at marahil baka may ilan na mairita dahil paulit-ulit na lang nila makikita ang mga posts hanggang sa may magsasabi sa kanila na “magsimula ka na lang kaya ng Facebook Page mo?”  Sounds familiar?

Good idea ba ito?  HINDI!!! WRONG MOVE pala ito!

Ito ang mga dahilan:

1.  Marami ang Umaalis sa MLM Makalipas ng Tatlong (3) Buwan

Ang posibilidad na magbebenta ka ng produkto ng MLM company mo hanggang anim (6) na buwan ay napakababa kahit gaano mo kamahal ang iyong kumpanya.

Marami ang nagsisimula sa negosyo ng MLM na umaalis sa loob lamang ng tatlong (3) buwan.  Bakit?  Marami ang naneNegatib ng mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, katrabao at lahat ng “K” sa loob ng buhay nila.  Kung hindi matibay ang loob nila, sila ay aayaw at bibitaw sa pagbebenta ng produkto ng kanilang kumpanya.

Ito pa ang masaklap, gumawa pa sila ng Facebook page para sa kanilang kumpanya at nagbayad ka para iAdvertise ang page para makakuha ng maraming likes at iba pa.  Anong mangyayari kapag umayaw na sila?  Sayang ang lahat ng binayad nila para sa FB Page.

2.  Maraming kumpanya sa MLM ang Nagsasara

Paano kung gumawa ka ng Facebook Page para sa kumpanyang sinalihan mo at biglang nagsara ito?

Kahit hindi ka umayaw sa kumpanya mo pero kung ang kumpanya mo naman ang nagsara, paano na ang mga binayaran mong Facebook Likes at Facebook advertising?  Maiiwanan ka ng may 100,000 likes sa page mo pero wala ka ng kumpanya.  Hindi mo naman mapapalitan ang pangalan ng FB Page para ilipat sa ibang kumpanya.

3.  May Ilang Kumpanya ang Hindi Pumapayag na Gumawa ka ng Facebook Page 

May ilang kumpanya ang hindi pinapayagan na ang kanilang distributors o representatives na gumawa ng sarili nilang FB Page gamit ang pangalan ng kumpanya.

Kapag sila ay gumawa ng FB Page at hindi nila alam na bawal pala, maaring masuspinde ang kanilang account o kaya matanggalan pa sila ng account.  Sayang naman ang perang inilabas nila.

Magandang tingnan at pagaralang mabuti ang Terms and Agreement ng iyong kumpanya bago kayo gumawa ng sarili ninyong FB page.

 4.  Hindi Pinapayagan ng Facebook na Gumawa ng Page ang Isang Tao na Hindi Opisyal na Representatib ng  Kumpanya

Nakasulat sa “Facebook’s Terms of Service” na hindi nila pinapahintulutan na gumawa ng FB Page o magpatakbo ng isang page ang isang tao na hindi opisyal na representatib ng kumpanya.

Facebook’s Terms of Service:

A Page for a brand, entity (place or organization), or public figure may be administered only by an authorized representative of that brand, entity (place or organization) or public figure (an “official Page”).

5.  Nagdudulot ng Kalituhan 

Subukan natin maghanap sa Facebook Page Search ng pangalan ng isang kumpanya.  Tingnan natin kung gaano karami sa kanila ang may pare-parehong Facebook Page.

Kung ang isang customer ay naghahanap kung saan bibili ng produkto o sasali sa negosyo, kanino siya bibili o sasali?

Malilito ang mga tao kapag sobrang daming Facebook Page ang isang kumpanya.  Kung gusto nila bisitahin ang Official Facebook Page ng isang kumpanya, malilito sila kung alin sa mga lumabas sa search results ang tunay at opisyal na Facebook page.

6.  Lumalayo Lalo ang mga Tao

Nakaranig ka na bang sabihan na “Madami na naggaganyan sa lugar namin”?  Ibig-sabihin lang nila, ayaw nila sumali sa negosyo mo dahil wala na silang taong maalok bumili ng produkto at mapapasali pa kung marami na sa mga kakilala nila ang kasali at nagbebenta.

Lumalayo lalo ang mga tao kung nakikita nila sa Facebook Page Search na maraming tao na ang kasali sa inaalok na MLM business.  Tulad ng nabanggit ko sa #1,  ang mga tao ay mahilig sa mga bagong oportunidad.  Kung nasa isip pa lang nila na hindi na bago ang inaalok na negosyo, mas lalo pa silang lalayo.

7. Pinopromote Nila ang Kumpanya, Hindi ang Sarili Nila!

imgres-1Sa tingin ko, ito ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit hindi dapat gumawa ng Facebook Page ng isang kumpanya sa MLM.

Ano kaya ang dahilan kung bakit ang isang kumpanya na nagbebenta ng produkto ay gumagamit ng pamamaraan na Multi-Level Marketing o Word-of-Mouth Marketing?

Ang sagot, ang mga tao ay sumasali o bumibili ng produkto sa mga taong may tiwala sila tulad ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan.


Magiwan ng inyong tanong o comments sa ibaba.

About the Author

Lloyd Labso is the founder of Digital Start-Up Toolkit. He is a general physician by profession. He is an author, blogger, internet and network marketer. He has built several online websites for other entrepreneurs that have gone to generate massive income.

{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}
>