2

Para Maging Successful ang Negosyo, Alamin ang 17 Powerful Tips and Tactics na ito.

 

“Alamin ang 17 Powerful Tips and Tactics Para Maging Successful ang Negosyo…”

Ipapakita ko sa blog post na ito ang ilang mga powerful tips and tactics na ginagamit ng mga kilalang successful entrepreneurs para maging successful ang negosyo nila.

Gusto mo ba malaman kung paano maging successful ang negosyo mo?

Kilala niyo ba sila Mark Zuckerberg, Bill Gates and Tony Robbins?  Have you ever wondered what they have in common?

Lahat sila ay Successful Entrepreneurs.

They say that true success is not in employment but in doing business. And yes, maraming entrepreneurs na ang nakapagpatunay na mas malaki ang income sa pagnenegosyo kumpara sa pagiging empleyado.

Halimbawa, tingnan natin si Bill Gates – ang gumawa ng Microsoft Windows. Hindi man lang nakatapos ng college si Bill Gates pero siya yumaman sa pagiging entrepreneur. Hindi ko sinasabi na hindi ka rin maaring yumaman sa employment. May mga bank managers, presidents, at vice presidents ng kumpanya ang malaki ang sahod.

Alam natin na maraming tao ang pumapasok sa mundo ng entrepreneurship.  But the problem is, many of them don’t have the necessary skills and knowledge to become successful. Kaya marami rin ang pumapasok sa entrepreneurship ang nalulugi, napapagod, umaayaw at bumabalik sa pagiging empleyado.

These entrepreneurs who don’t have the skills and knowledge are bound to fail.

Ikaw ba ay isang aspiring entrepreneur? What should you do to avoid failing in entrepreneurship?

Mag-enroll ka ba sa isang unibersidad para matutunan ang mga trades and secrets of entrepreneurship?

Maari mo ‘yan gawin pero tulad ng sabi ko, si Bill Gates nga ay hindi nakatapos ng kolehiyo pero naging successful.  Ibig-sabihin, hindi mo rin kailangan pumasok sa unibersidad para matutunan ang skills and knowledge na kailangan sa pagiging isang entrepreneur.

Entrepreneurship can be learned outside of the 4-corners of the classroom.

What do you need to learn entrepreneurship?

Self-study? Research? Experience?  Yes, definitely you need these things to have an edge in entrepreneurship.

But fortunately for you reading this post, you don’t need to do any of that.

I am going to share with you 17 of the most powerful tips and tactics para maging successful ang negosyo.

1. Lumayo sa mga negatibong bagay at tao

Kailangan mong maging positibo at lumayo sa mga negatibong bagay at tao sa iyong paligid kung gusto mong maging successful ang iyong negosyo.  Dahil ang pagiging positibo ang makakapag-motivate sa mga entrepreneurs na magpatuloy kahit nahihirapan sa neogsyo. Pero mag-ingat ka at hindi rin maganda na sobrang positibo mo.  You may overlook risks and potential dangers. Ito ang kailangan mong iwasan sa pagiging positibo. Kahit ikaw ay isang positibong entrepreneur, kailangan mong tanggapin na may mga dangers and risks sa negosyo.

2. Maghanap ng motibasyon

Maganda ang pagkaroon ng maraming ideya at oportunidad. Pero kahit ito ay kulang kung wala kang ginagawa.  You need to take action.  And to take action, kailangan mong magkaroon ng motibasyon para kumilos. Motivation may be different from one entrepreneur to another. Kailangan mo hanapin ang sarili mong motibasyon. Ang motibasyon mo ay kailangan malalim na makakapagtulak sa’yo na gawin ang lahat para maging successful sa negosyo mo.  Example, gusto mo bang bigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya? Gusto mo ba maging isang kilalang tao sa iyong industriya? Gusto mo bang makatulong sa maraming tao? Gusto mo bang makapunta sa iba’t ibang lugar sa mundo?

3. Have Vision and Mission

Lahat ng negosyo ay kailangan ng vision, mission at goal. You can usually see a company’s Vision, Mission and Goal posted in their building or in their website.  Anong pinagkaiba ng vision, mission at goal? The Vision describes a company’s ideals. The Mission describes a company’s desired contribution to the society, to its employees, and to others. The Goal describes a company’s desired self-growth in the future. Having a Vision, Mission, Goal to look up to and remember helps keep a company stay on track and overcome challenges that may come along the way.

4. Paniwalaan ang iyong ginagawa

Maaring may ibang tao na hindi na niniwala sa iyong ginagawa.  That’s fine.  What is important is that you believe in it. Ikaw mismo dapat naniniwala sa iyong ginagawa. Kung ikaw mismo ay hindi convinced sa gusto mong marating, hindi mo talaga ito mararating. This is why it is important that you enter into a business venture that you believe in or have faith in. Halimbawa, kung ikaw ay nagbebenta ng produkto na pampaputi, do you believe in its quality, in what it can do, in what it can provide to your customers? If you yourself believe in what you offer, you will be more motivated and more driven to sell it. Mararamdaman ng customers mo na tunay ang iyong produktong binebenta kasi nakikita nila ito sa’yo. Mas lalo pa nga sila ma-attract sa’yo at bumili ng produkto mo.

5. Start In Your Field of Interest

Madaling maging motivated sa isang bagay lalo na kung interesad ka dito. Kapag mag-iisip ka ng magandang negosyo, kailangan mong simulan sa bagay na mahilig ka. For example, gusto mong mgtayo ng parlor or salon, kailangan mahilig ka sa pagpapaayos ng buhok, pagpapalinis ng kuko, at pagpapaganda. Kung ang hilig mo naman ay mga kotse, maganda na ang negosyo mo ay auto supply, auto repair o auto detailing.

6. Work In Your Field of Qualification

Hindi lang interest at passion ang dahilan na ikaw ay papasok sa isang negosyo. Kailangan mo ring tanungin ang sarili mo, kaya mo ba siyang gawin?  Do you have the necessary qualifications in the field? Kung balak mo magbukas ng isang auto supply shop, tanungin mo ang sarili mo: May alam ba ako patungkol sa mga sasakyan? Marami ba akong alam sa mga parte ng sasakyan at kung paano sila tumatakbo? Siyempre, maari ka naman maghanap ng mga experts sa field ng negosyo mo pero mas maganda na mayroon ka ding alam.

7. Choose a Business Where Resources Are Available

The life of a business is highly dependent on the availability of the resources. Resources may include suppliers, service providers, utilities, and such. Kung balak mong magtayo ng parlor, maghanap ka ng supplier ng mga gamot sa buhok, make-up, nail polish, etc. Tingnan mo rin siyempre kung may kakayanan ang supplier mo na magbigay sa’yo ng mga pangangailangan mo. Tingnan mo rin kung legal siya, magtatagal ba siya, at marami ba siyang stocks? Ayaw mo naman biglang maubusan ka ng supplies. Siyempre, masisira din ang iyong negosyo.

8. Choose a Business Field Where Talents Are Available

Kailangan mong tandaan na sa negosyo, hindi lang ikaw ang tao. Kailangan mong kumuha ng empleyado o ng tauhan o business partners. In some businesses however, it is necessary that you find people of unique talents/expertise/degree. Kung magbubukas ka halimbawa ng salon, kailangan mo ng mga taong marunong maggupit, mag-ayos ng buhok, mag-rebond, mag-manicure, mag-pedicure etc. Kailangan mo isipn kung mayroon ka bang kilalang mga taong ganoon? Kung wala, saan ka makakahanap? Madali ba silang hanapin at i-hire?

9. Pumili ng Patok Negosyo

Ang isang layunin ng isang negosyo ay para kumita. In your business, you will have to offer something in return. But you must offer something valuable that the people are will be willing to buy Anu-ano ba ang mga produkto o serbisyo ang maari mong ibenta sa tao? Ano ba ang hanap ng mga tao ngayon? Ano ba ang sikat na negosyo? Mag-ingat lang din kasi hindi lahat ng patok na negosyo ay nananatiling patok makalampas ng ilang buwan o taon.

10. Do A Market Research

Bago magsimula ng isang negosyo, gumawa ng Market Research.  Gaano ba karaming tao ang interesado sa balak mong ibentang produkto o serbisyo? May sapat na tao ba na naghahanap ng iyong produkto o serbisyo? Ito ba ay produkto na kailangan ng tao at kailangan nilang bilihin araw-araw tulad ng pagkain? Maari kang mag-search nito sa internet. Marami kang mahahanap na impormasyon kung ano ang hanap ng tao.

11. Gumawa ng Survey

Ang isang paraan ng market research ay paggawa ng isang survey.  Paano mo malalaman kung anong produkto o serbisyo ang interesado ang mga tao? The best answer is, ask!  Tanungin mo sila. Gumawa ka ng survey na makukuha mo ang impormasyon sa kanila.  Mag-abot ka lang ng mga questionnaire sa mga tao at pasagutan mo sa kanila.  Ang isang mas madaling paraan ay gumawa ng survey sa internet o sa facebook. Mag-post ka lang. Tanungin mo sa mga facebook friends mo kung sino ang interesado.

12. Alamin ang “Purchasing Power” ng tao

Kailangan mo rin tandaan na hindi dahil interesado ang tao bumili ng produkto o serbisyo sa’yo ay bibili na sila. Baka naman interesado sila pero hindi naman nila kayang bilihin.  Example, may taong interesadong bumili ng magagandang branded na sapatos, pero hindi lahat ng tao ay may kakayanang bumili.  Baka hindi na abot sa kanilang budget. So when coming with a business idea, you have to consider the purchasing power of the people in the area. You want to consider the purchasing power of the majority and not the select and privileged few. For example, hindi magandang magbenta ng mga branded na bags tulad ng Louis Vuitton and Chanel sa mga low-income communities.

13. Pag-aralang Mabuti ang “Buying Behavior” ng mga tao

It is not always about the purchasing power. May mga tao na may kakayanang bumili pero ibang mga bagay ang binibili nila.  Maaring mahilig sila bumili ng jewelries pero hindi sila mahilig bumili ng bags. Kailangan mo rin tingnan kung paano sila gumastos.  Maaring ikaw ay nagbebenta ng jewelries pero hindi ka naman tumatanggap ng mga credit card payments. Ang mga taong interesadong bumili sa’yo ay hindi makabili dahil credit card pala ang ginagamit nilang pambili.

14. Find a Good Location to Sell Your Products/Services 

Many businesses fail because the owners forgot to factor in “location.” Kahit ikaw ang may pinakamagandang produkto sa buong mundo, kung ito naman ay binebenta mo sa liblib na lugar o sa malalayong lugar na walang taon, babagsak ang iyong negosyo. Why do you think restaurants are usually placed inside the mall? Obviously kasi maraming tao ang pumupunta doon at maraming nagugutom kapag namimili o namamasyal. Food businesses are highly dependent on location. If you are thinking of starting a restaurant or a food cart business, make sure there’s a lot of food traffic. If you want a business that you can do anywhere regardless of location, you can try doing Affiliate Marketing, click here to learn more.

15. Look For Markets That Have High Demand And Low Supply

You have to remember that supply and demand play a vital role in any business. Ang rule, kapag mataas ang demand at mababa ang supply, mataas ang oportunidad na kumita. Tumataas ang presyo ng bilihin. Halimbawa, ikaw lang ang nagbebenta ng tubig sa isang beach. Maraming tao ang uhaw na uhaw at willing sila magbayad ng kahit na magkano para lamang maka-inom ng tubig.

16. Grab Opportunities Fast!

Kung ikaw ay nakakakita na ng magandang business opportunity, huwag ka na maghintay pa. Kunin mo na agad kapag alam mong maaari mo itong pagkakitaan. Kapag may ibang tao pa ang nauna sa’yo, magsisisi ka lang na hindi mo pa agad kinuha.

17. Kumuha ng Business Coach

Hindi naman kailangan sa lahat ng negosyo ng business coach o mentor pero kung ikaw ay nahihirapan at naguguluhan kung saan ka maaring magsimula, kailangan mo maghanap ng magtuturo sa’yo at magbibigay sa’yo ng direkson. Kung ang balak mong pasuking negosyo ay medyo complicated tulad ng stock market, real estate, hospital system, kailangan mo talagang maghanap ng business coach. Malaking pera at oras ang posibleng mawala sa’yo kapag hindi mo nagawa ng tama sa umpisa pa lamang. Kung seryoso ka sa pagsimula ng sarili mong negosyo, kumuha ka ng business coach.  Luckily for you, I am coaching aspiring entrepreneurs. You may download my 25-Page Start-Up Guide today.

Leave Your Comments Below

lloydlabso
 

Hi I'm Lloyd Labso. I am a doctor, entrepreneur, blogger, internet and network marketer. I am the author of The Secret Ingredient In Networking Your Grand Uplines Won't Tell You About and The Networking Master's Blueprint. I am also the founder of Networking Master's Academy. I am also the founder of the Digital Start-Up Toolkit that helps entrepreneurs build their own digital publishing business.

Comments are closed

FREE Online Training Webinar Alert! "Learn The 5 Steps I Used To Make A 6-Figure Income Online WITHOUT Selling To My Family, Friends, Neighbors & Co-Workers."

x