Ang Pagyaman ay Nagsisimula sa Tamang Pag-iisip.

 

Ang Pagyaman ay Nagsisimula sa Tamang Pag-iisip.

Naalala ko nung nasa elementary at highschool pa ako, my parents instilled in me the importance of education.

Lagi nilang sinasabi, “Anak, galingan mo sa school para kapag nakatapos ka na, makakuha ka ng magandang trabaho at masusuportahan mo kami pagtanda namin.”

I love my parents and to be a good son, I followed every word.

I got good grades in school, and I was always in the top 10 of the class.  

Nung nakagraduate na ako ng highschool, gusto ng parents ko maging doktor daw ako kasi may “prestige” at malaki ang kita ng mga doktor.  

Hindi ko nasunod ang payo ng parents ko kaagad kasi takot ako sa dugo, sa nagkakasakit, sa namamatay at sa responsibilidad na hawak ko sa aking mga kamay ang buhay ng tao.

For 3 years, kumuha ako ng Engineering Course kasi ang hilig ko talaga ay Mathematics.  After 3 years, na-realize ko na tama ulit ang sabi ng parents ko.  Kaya nagpalit ako ng course.  NagShift ako sa Human Biology at pumasok sa mundo ng medisina.

I graduated from the College of Medicine within the top 10 of my batch. Again, keeping in mind the values my parents told me when I was young  “‘Nak, galingan mo sa school para kapag nakatapos ka na, makakuha ka ng magandang trabaho at masusuportahan mo kami pagtanda namin.”

When I became a practicing doctor, however, I still don’t feel that I am financially free.  Tama naman sinabi ng parents ko, nakakuha ako ng magandang trabaho bilang isang doctor pero hindi ko nagagawang suportahan ang aking mga magulang.  

Unang-una, wala akong time para sa kanila.  Palagi akong nasa trabaho, minsan 24 hours na sa duty, minsan 48 hours.  

Pangalawa, hindi sapat ang aking sweldo para suportahan ang aking asawa at anak kung pati ang aking mga magulang ay susuportahan ko din.  

Mali ba ang tinuro sa akin ng aking mga magulang?  

I am now above the age of 30 and naRealize ko na naging paniniwala ko ang paniniwala ng aking mga magulang dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanila at siyempre, kasi, magulang ko sila.   

Naalala ko tuwing pasko, pinagsasabit kami ng mga kapatid at pinsan ko ng medyas sa Christmas Tree at sabi sa amin na nilalagyan daw ni Sta. Claus ng regalo ang mga medyas. Tama nga naman, pag-gising namin sa umaga, may lamang malulutong na 20, 50 at 100 pesos ang aming mga medyas.

Nangyari din ba ito sa’nyo?

At some point in our lives, nalaman natin na hindi pala totoo ang lahat ng sinasabi sa atin ng ating mga magulang.  Don’t get me wrong, our parents have no intention of deceiving us and to hurt us.  But, their ways can some times carry several implications in our lives including our future.

Baka hanggang ngayon naglalagay ka pa rin ng barya o coins sa bulsa ng iyong pantalon o kaya naman sumisigaw ng malakas at gumagawa ng ingay tuwing bagong taon para raw dumami ang pera mo sa darating na bagong taon o ‘di kaya nma’y nagkakalat ka pa rin ng coins sa sahig ng bahay tuwing bagong taon para pumasok daw ang maraming pera sa loob ng bahay. 

new-years-eve-1

Baka hanggang ngayon naglalagay ka pa rin ng ampaw/sobre na may lamang pera sa ilalim ng iyong kama o unan para dumami ang iyong pera.

There’s nothing wrong with practicing our traditions, but we shouldn’t rely mainly on them.  Hindi natin pwede isisisi na kaya tayo hindi umunlad sa bagong taon ay dahil kulang ang baryang nilagay natin sa bulsa o hindi pa malakas ang ating sigaw o paputok noong bagong taon.  

Gets mo?

Sa ayaw at sa gusto mo, ang mga paniniwalang ipinamana sa’yo ay nakakaimpluwensya sa takbo ng buhay mo.

May mga paniniwala na nandiyan para ikaw ay protektahan pero marami naman ang nakakasama.

Halimbawa, kapag pinag-uusapan na ang pera, ang aking mga kamag-anak at kaibigan ay bigla na lamang nagsasarado ang isip.  Bakit Kasi nakakaisip na agad sila ng maraming mga negatibong bagay pagdating sa pera.

Naiisip agad nila na masama ang may maraming pera.  Ang importante ay masaya sila kahit sapat lang ang kanilang kinikita.  Ang problema, kapag nagkagipitan na at kailangan sa pampa-ospital, dahil sapat nga lang ang mayroon sila, mababaaon sa utang sa mga kakilala at kapit-bahay.  Kapag hindi na makabili ng pagkain sa araw-araw, anong sasabihin nila sa kanilang mga anak?  Masama ang pera?  Gutom na gutom na ang bata pero ang sasabihin mo lang masama ang pera?  Hindi ba’t ang masama ay hindi nasusuportahan ng isang magulang ang pangangailangan ng mga anak?

Ang advice ko lang, hindi ang pagkakaroon ng maraming pera ang dahilan ng kasamaan ng tao.  Ang pagmamahal sa pera ang masama.  

Sabi nga:

 “Money is NOT the root of  all evil, but the LOVE of money is.”  

Kasi maari mong magamit ang pera na mayroon ka sa kabutihan.  Halimbawa, si Bill Gates ay isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Masamang tao na ba s’ya agad?   Hindi!

Nabibigyan niya ng maraming trabaho ang mga tao sa iba’t ibang parte ng mundo. Nakakapag-Donate pa siya ng malaking pera para sa charity at health research.  Ginagamit niya ang kanyang pera sa kabutihan.  

Sabi sa Bible:

Whoever has will be given more, and they will have an abundance. Whoever does not have, even what they have will be taken from them.” – Matthew 13:12

Iyan rin ang dahilan kung bakit lalong yumayaman si Bill Gates.

Kaya kung iniisip mo na ikaw ay magiging masamang tao kaagad dahil lang marami kang pera, ibig-sabhin, hindi ka makakaranas ng financial freedom.  Mas lalo ka pang matatali sa pera kasi sakto lang ang kita mo.  Kapag kinulang, makakaisip lalo ng gumawa ng masama.

Kung nasusundan mo ang aking sinasabi, makikita mo na ang problema ay hindi sa iyong natapos na kurso o nasa itinuro at pagpapalaki ng iyong magulang, kundi nasa sarili mong paniniwala o mindset.  Maari mong baguhin ang mindset mo kahit hindi siya tugma sa paniniwala ng ibang tao lalo na ng iyong magulang.  Kung sa tingin mo ay nagiging dahilan siya ng iyong paghihirap, change your mindset.   

Now, take a 5-minute break and write on a piece of paper the different beliefs you have or your parents have taught you and reflect on whether these beliefs are there to protecting you, harming you, or helping you.  Find out which of these beliefs are holding you back from achieving your goals.

Let me know in your comments below.  

“You can’t reach anything new if your hands are still full of yesterday’s junk.” -Zig Ziglar

lloydlabso
 

Hi I'm Lloyd Labso. I am a doctor, entrepreneur, blogger, internet and network marketer. I am the author of The Secret Ingredient In Networking Your Grand Uplines Won't Tell You About and The Networking Master's Blueprint. I am also the founder of Networking Master's Academy. I am also the founder of the Digital Start-Up Toolkit that helps entrepreneurs build their own digital publishing business.

FREE Online Training Webinar Alert! "Learn The 5 Steps I Used To Make A 6-Figure Income Online WITHOUT Selling To My Family, Friends, Neighbors & Co-Workers."

x